Sasapit na ang araw Na ika'y aking muling makakasama Hindi mapakali ang sarili Nag-iisip, ano ba'ng dapat iporma? Nakaharap sa salamin, nag-iisip ng sasabihin Hindi alam ang gagawin kapag ika'y papalapit sa 'kin (sa 'kin) Sa tuwing ika'y kasama 'Di maitatanggi ang ligaya Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw ♪ Maliwanag ang buwan at aking pinagmamasdan Ang mga tala, tila ba hugis ng iyong mukha Oh, natatangi mong ganda'y 'di nakakasawa, hmm Nakaharap sa salamin, nag-iisip ng sasabihin Hindi alam ang gagawin kapag ika'y papalapit sa 'kin (sa 'kin) Sa tuwing ika'y kasama Hindi maitatanggi ang ligaya Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw ♪ Sa t'wing ako'y iidlip, ikaw ang laging panaginip Sana'y 'di na 'ko magising, doon ka lang nagiging akin Dapat na ba akong umamin na sa 'yo'y may pagtingin? Ilalahad ba ang damdamin o patuloy na ililihim? Sa tuwing ika'y kasama Hindi maitatanggi ang ligaya Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yong mga mata Bumabagal ang mundo, tanging ikaw lang at ako Ang puso ko'y ikaw ang s'yang tanging sinisigaw Natatanging ikaw Natatanging ikaw Natatanging ikaw