Palihim na kinikilig sa bawat tingin na hatid 'Di maitago ang ngiti na ginuguhit ng 'yong pisngi Tila sa 'yo'y napakadali at para bang walang mali Sa bawat kumpas ng kamay, ang puso ri'y sumasabay Hindi kita sinisisi, binibini Pero ba't ka ba ganyan? Hindi kita maiwasan Matagal na kitang pinagmamasdan pero hindi pa rin mapantayan Ang mga pintas at kagandahan ng 'yong katangian, oh, ang hirap naman Kaya ngayon, ako ay natatakot dahil hindi ka rin maaabot Pilit na lamang babawasan ang aking nararamdaman Pero paano ba ito kung nahulog na ako sa 'yo? Ang hirap pa naman, lalo na 'pag ika'y nasa harapan Ang dami rin pating nakapila d'yan, sino ba ako para pagbigyan? Oh, kapalaran, baka naman ♪ Hindi kita sinisisi, binibini Pinipilit ko naman, hindi pa rin maiwasan Matagal na kitang pinagmamasdan pero hindi pa rin mapantayan Ang mga pintas at kagandahan ng 'yong katangian, oh, ang hirap naman Kaya ngayon, ako ay natatakot dahil hindi ka rin maaabot Pilit na lamang babawasan ang aking nararamdaman Hindi mo na nalaman kasi hindi naman kailangan Gusto kita pero kilig sa 'yo'y iiwas na lang