Wag mong kalilimutan ang nakaraan Kung pano ginahasa ang ating bayan Wag tatanga tanga wag tatanga tanga Kung pano pinaslang ang mga inosente Pinag bintangan na sila daw ay rebelde Wag kang padadala, sa mga salita Para saan pang pag aaral mo Kung mag papalinlang Pruweba sa paligid mo Wag kang mag dahilan Kung mauulit muli Muling mabibigo Kung mauulit muli Wag mong kalilimutan ang nakaraan Mga bilyong ninakaw sa ating kaban Wag kang mag tataka kung malaya man sila Kung paano inabuso ang kapangyarihan Daan daang sapatos at mga larawan Ba't ka natatawa? 'Di to gawa-gawa Para saan pang pag aaral mo Kung mag papalinlang Pruweba sa paligid mo Wag kang mag dahilan Kung mauulit muli Muling mabibigo Kung mauulit muli At tulad ng isang bagyo Na may nasalanta At pinalad na sang tulad mo Ngunit pano sila Kung mauulit muli Muling mabibigo Kung mauulit muli Muling mabibigo Muling mabibigo Muling mabibigo