Tulad mo'y araw Na nagbibigay-sigla sa 'king puso Parang bahaghari Na nagbibigay ng kulay sa buhay ko Ang nais ko'y kasama ka Nang 'di na muling malulumbay Kay palad ko at ika'y nakilala Sana'y kapiling kita Sa bawat sandali Kausap, kabiruan Sa oras nang nag-iisa Kailangan ko ng tulad mo Na makakaramay ko sa mundo Sana'y ikaw na ang maging kapalad ko Sana'y ikaw na ang maging kapalad ko Sa aking pagtulog Ang panaginip ko ay ikaw Maging sa aking paggising Ikaw pa rin ang aking nasa isip Ang nais ko'y malaman mong Tinuruan mong magmahal ang puso ko, whoa-whoa Sana'y nadarama mo rin ito Sana'y nadarama mo rin ito