Kishore Kumar Hits

Room for Cielo - Bukas, Makalawa текст песни

Исполнитель: Room for Cielo

альбом: Bukas, Makalawa


Ilang araw na 'kong nalilito
Wisyo ko'y nagkabuhol-buhol na sa kakaisip sa 'yo
Tanda ko no'ng makita ka no'ng isang linggo, mundo ko'y nag-slow mo
'Di bale, bukas makalawa, mawawala rin 'to
Oh, kapag nakikita ka'y lumalayo
Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro
Sa isang marikit na alaalang bumabalik
At bakit 'di ko magawang limutin ka?
Magmu-move on na lang ako bukas makalawa

Ilang buwan na rin no'ng huling nagkasama
Pero matanaw ka lang, sa tiyan ko, may kumukurot na
Ide-delete na ba 'yung number mo na ilang taon ko nang kabisa?
Kaya lang, baka sakaling bukas makalawa ay mapatawag ka
Sa bawat hinaing nitong damdamin, ako'y bumabalik
Sa ating nakaraan na tila panaginip na 'di na yata ako makakawala
'Wag naman sana
Oh, kapag nakikita ka'y lumalayo
Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro
Sa isang marikit na alaalang bumabalik
Kung bakit 'di ko magawang limutin ka
Magmu-move on na lang ako bukas makalawa, ah
Bukas makalawa, ikaw naman ang maghahabol sa 'kin
Bukas makalawa, ako naman ang mang-aagaw-pansin
Ang lahat ng 'to ay sa bato itataga, ang kaso lang, baka
Ang bukas makalawa, abutin pa ng ilang dekada
'Wag naman sana

Sa isang marikit na alaalang bumabalik
Kung bakit 'di ko magawang limutin ka
'Di na puwedeng ganito, kailangan ko na maka-move on na
Promise, bukas makalawa, mayro'n na 'kong iba

Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (bukas makalawa)
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (mayro'n na 'kong iba)
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Eevee

Исполнитель

Minaw

Исполнитель