Sa paglubog ng araw sa abot-tanaw Babalutin ng dilim ang paligid Tila maglalaho ang kulay ng buhay Huwag kang mababalisa 'Di ka nag iisa Pagkupas ng liwanag sa abot-tanaw Kagitingan mo'y magsisilbing tanglaw Haharapin ang bawat hamon ng buhay Huwag kang mababalisa 'Di ka nag iisa Harinawa Magwawakas din ang pagdarahop At ang paghihikahos Harinawa Muling masisilayan ang araw Sa bagong umaga Kumapit ka sa palad ko Haharapin, pagsubok at bagyo Harinawa Matatamo ang dulo ng mundo Sa panahong wala ng bukas Na matatanaw Pagmasdan ang mga tala sa langit Kumakandili sa'ting diwa at isip Huwag kang mangangamba 'Di ka nag iisa Harinawa Magwawakas din ang pagdarahop At ang paghihikahos Harinawa Muling masisilayan ang araw Sa bagong umaga Kumapit ka sa palad ko Haharapin, pagsubok at bagyo Harinawa Matatamo ang dulo ng Mundong walang katiyakan Buhayin ang lakas ng sarili Magtiwala sa pag asa 'Di ka nag iisa Harinawa Magwawakas din ang paghihikahos Harinawa Masisilayan ang bagong umaga Kumapit ka sa palad ko Haharapin, pagsubok at bagyo Harinawa Matatamo ang dulo ng mundo ♪ Harinawa Matatamo ang dulo ng mundo