Nakatulala sa nakakaakit mong mga labi (Wish 107.5) Nauuhaw, oh, sa matamis mong mga halik Kailan kaya kita muling makikita? Nasa isip mo pa rin ba ako sa tuwing kapiling mo siya? Sa panaginip na lang ika'y magiging akin Walang dapat makakaalam sa ating pag-ibig Nasasabik, 'di mapakali, nag-iisa sa madilim na silid Naghihintay sa 'yo, sa 'yong pagdating Ako'y bilanggo sa lihim na pag-ibig ♪ Nagsimula sa isang gabing 'di inaasahan Bulong ng alak sa akin ay nakakabingi 'Di ko mapigilan ang sarili Nasa isip ko palagi sa tuwing kapiling ko siya Sa panaginip na lang ika'y magiging akin Walang dapat makakaalam sa ating pag-ibig Nasasabik, 'di mapakali, nag-iisa sa madilim na silid Naghihintay sa 'yo, sa 'yong pagdating Ako'y bilanggo sa lihim na pag-ibig ♪ Sana ay noon pa kita nakilala Ako na lang (ikaw na lang), tayo na lang sana Ang tadhana kung minsan ay mapagbiro Ang tadhana kung minsan ay mapagbiro Pero bahala na, bahala na, bahala na Bahala na, bahala na Wishclusive on Wish 107.5