Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo 'di mo 'ko maloloko Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Tao po, bigla akong napalingon sa'yo Isa dalawa tatlo, ngiti pa lang nahulog na ako Iba ang kinang ng iyong mata Iba ang tibok ng puso 'pag ikaw ang kasama Misteryoso tahimik sadyang mahilig magpaasa Ay nag-chat ka pala ito na ang unang kabanata Lulubog, lilitaw, wag ganyan sa isang marupok Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo 'di mo 'ko maloloko Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Sorry na marupok Pagbangon sa umaga, good morning mo unang hinihintay At minsan inuumaga, hinihintay kung kailan ka magrereply Hinawakan mo na ang aking kamay noong isang araw Sabi mo ako sa'yo'y mahalaga 'Pag kasama na ang pamilya't mga kakilala Pakilala mo sa 'kin, "kaibigan ko lang po siya..." Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo 'di mo 'ko maloloko Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Sorry na marupok Ang sabi ko tama na 'Di na kita babalikan 'Di mo kayang panindigan ang mga sinasabi mo Puso ko'y hindi laruan Madalas akong nasasaktan Alam ko naman na katangahan ang umasa sa paasang katulad mo Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Wag kang mangistorbo kung bigla rin maglalaho Alam ko ang galawan mo 'di mo 'ko maloloko Wag kang kakatok Wag kang kakatok Wag kang kakatok Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok Wag kang mangistorbo, kung wala rin magbabago Alam ko ang kailangan ko, 'di na magpapaloko Wag kang kakatok Wag kang kakatok Wag kang kakatok Wag kang kakatok Wag kang kakatok kung hindi naman papasok Sorry na marupok