Ang pag-ibig, kahit 'di mo hanapin pa Ay kusang dumarating kung para sa isa't isa Dati-rati ang puso ay nag-iisa Ngayon ay kapiling ka at 'di na magwawalay pa Nag-akala na 'di na darating ang isang katulad mo Ngayo'y kapiling ka at laging narito Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas Habang-buhay ka na iibigin nang buong tapat Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas Ipapangako na hindi ka mag-iisa Palagi'y kasama mo, ganyan ako sa 'yo, sinta Hindi ko kaya, sa akin ay mawalay ka At sana bawat saglit, palagi ay kapiling ka Nag-akala na 'di na darating ang isang katulad mo Ngayo'y kapiling ka at laging narito Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas Habang buhay ka na iibigin nang buong tapat Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas Ang puso't kaluluwa ay para lang sa 'yo (para lang sa 'yo) Palagi ay ikaw ang iibigin ko (iibigin ko), whoa Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad Isang pag-ibig na kailanman ay hindi magwawakas Habang buhay ka na iibigin nang buong tapat Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas (ngayon hanggang wakas) Sa akin ay ikaw, ngayon hanggang wakas