Hindi alam ang gagawin Ako ngayo'y nakatingin Sa kawalan, pinagmamasdan Ang sarili habang humahakbang Papalapit sa salamin Ngingiti't tatanungin ang sarili Kung nagkulang ba Kay tagal na natin na Nagsama sa ginhawa at Sa hirap ay karamay ang isa't isa Ngunit bakit parang malabo na Umibig tayo sa isa't isa? Lalaban pa ba o susuko na? Sa halip na pilitin Aking iisipin na lang Na ikaw ay 'di para sa akin Masakit tanggapin, kahit mahalin Tadhana na mismo ang nagsabi sa akin Na dito na lang Dito na lang ako Maaari ka nang lumayo Dito na lang ako Mas mabuti na ang ganito At hayaan na lang na lumisan Ba't pa pipigilan? Minsan, mas mabuti na pakawalan Bumalik man ay nandirito lang naman Pilitin mang limutin ka Ay hindi ko magawa Sa isip at panaginip ay Hinahanap-hanap pa rin kita Nagbabaka-sakali na doon Maaari na maging tayong dalawa Sa halip na pilitin Aking iisipin na lang Na ikaw ay 'di para sa akin Masakit tanggapin, kahit mahalin Tadhana na mismo ang nagsabi sa akin Na dito na lang Dito na lang ako Maaari ka nang lumayo Dahil dito na lamang ako Mas mabuti na ang ganito At hayaan na lang na lumisan Ba't pa pipigilan? Kung minsan, mas mabuti na pakawalan Bumalik man ay nandirito lang naman Nandito lang Dito na lang ako Maaari ka nang lumayo Dito na lang ako