Hayaan mo nalang ako dito na mag-isa Hindi ko na ipipilit maging masaya Hindi na kase ako makakahanap pa Ng katulad mo Malabong maayos pa Lumaban mag-isa kahit mahirap na Pero ayos lang naman 'yon Inawan ka sa kahapon Kahit konting pagtingin wala nang natitira Wala nang bawian ang 'yong mga salita Wag mo na isipin ang nakaraan Sana ikaw ay masaya na Ikaw ay masaya na (woah) Pasensya na, pasensya ko'y naubos na Tiwala ko sa'yo ay wala na ring natira 'Di na mababawi binitawang salita Masaya ka na rin naman sa kanya Pero ganon talaga hayaan mo nalang akong mag-isa Lahat nawalan ng kulay Ang nadarama'y nalantang gulay Usok pati alak kaya mapungay Binaon mo sa sakit Parang nasa hukay, nawalan ng buhay Basag na lahat sa atin Masusugat lamang pag pinilit buohin Ito na ang huli bago ka tuluyang umalis Aking tanong ay pwede mo bang sagutin Sigurado ka na ba? Kase wala nang bawian Pag ikaw ay umalis Wala ka nang babalikan Alam ko namang napakadami pa ng iba diyan Pero ating binuo yun ang mahirap palitan 'Di ka masisisi kung wala ka nang maramdaman Pag-ibig kusa't di 'yan pwede na sapilitan Labis akong nasaktan pero ayos lang naman Masaya sa umpisa pero di ang katapusan Sinunod ko lang ang puso na parang utusan Binigay sa'yo lahat kahit na magka-ubusan Pero binalik mo saki'y kabaliktaran Nahulog sa'yong mga salitang walang kahulugan Iyong mga ngiti para sa akin ay walang kabuluhan Kung sa huli ay iiwanan mo rin akong luhaan Pag ikaw ay nasaktan wag ka nang umasang Meron ka pang mapupuntahan, di mo na ako matatagpuan Pwede bang? tama na Pasensya na ako'y nagsawa na Sa mga salita mo na ulit-ulit Ayos lang, alam ko nang Ikaw ay masaya na Hayaan mo nalang akong mag-isa Hayaan mo nalang ako dito na mag-isa Hindi ko na ipipilit maging masaya Hindi na kase ako makakahanap pa Ng katulad mo Malabong maayos pa Lumaban mag-isa kahit mahirap na Pero ayos lang naman 'yon Inawan ka sa kahapon Kahit konting pagtingin wala nang natitira Wala nang bawian ang 'yong mga salita Wag mo na isipin ang nakaraan Sana ikaw ay masaya na Ikaw ay masaya na (woah)