Ayaw ko nang humalo sa mga hindi kauri Nakatitig mga matang mapanuri Para matanggap kailangan pa bang sumangguni? Ito ako at di ko kailangan ng papuri Wag mo ako ikumpara hindi tayo magkahuni Pintuan sa harap niyo nasa akin na ang susi Ano ang kakalabasan sa oras na pasukin Tahimik lamang ako ditong nagmumuni-muni Sa aking alamat ay walang pwedeng pumapel Kaya silang lahat ay aking ginupit 'Pag nagkamali ka daming mga dilang matabil 'Di nila alam kung gaano ka sakit Ang aking talampakan sa dami ng tinik Sa daanan na aking inapakan Para lang makatawid at sa huli Walang may pake ang mahalaga Ika'y kanilang mapakinabangan Ugh, ilang beses minanipula Ng mga taong mata ay namumula Akala ko ako'y matutuwid hindi pala Ang mga salita na galing sa mga bibig Ay di ko makita sa mga sarili nila Lagi nalang ba ako na nakatingala? Kaya kinalagan ko ang mga tanikala Mga pakpak ay binuka bumabagyong pagsubok Nilipad ko mag-isa, pagkat Ako ay agila mga paa ay walang tali Dumadayo, dumadagit, sumasakay sa hangin Di mapasunod kase walang nagmamay-ari Maliban sa aking reyna na pinili Kung itrato niya ako ay higit pa sa isang hari Kaya ngayon ay aking kukuhain Kung ano ang para sa akin di na nila mababawi Pag ako ang lumagari mga harang mababali Ako'y di na babalik Kung saan ako nanggaling Tinahak kahit matarik Kinagat ang mga pain Para lang makuha ang mga Aral na kapalit Ngayon ako ay papanik Sa taas na hindi mo aakalain At kung sakali na mabali ang daliri Sa pagkapit ay ibabaon ko pangil