Burdado na binata, tingin sakin ni mama Ako'y pariwara na, nababaliw na ata Ako sa iyong mga mata, bihirang magpakita Palaging ayos lang ako Ako na ang bahala Mahal kita palagi, higit pa sa inaakala Para sa iyo handa ako na sumalo ng bala Ginagawa lahat upang muli kang makasama Ginagawa lahat upang hindi ka na lumuha, ma Ako ay gumigising na, malambot aking kama Puro totoo mga napili kong kasama Mga kaibigan ko ay aking sinasala Kase minsan na rin nasira ang aking tiwala Minsan na kong nagkamali at ako'y nadala na Wag mong intindihin kase ako ay matanda na Sa'king mga haharapin ako'y nakahanda na Ngayon alam ko na kung ano ang mali sa tama Sayo lang umaamo tulad kong itim na tupa Puso kong sarado, susi don ay iyong tawa Makita mo man na nagdurugo, wag kang maawa Balang araw ay mababayaran ko mga tumulo mo na luha Dahil sakin palagi kang nalalagay sa alanganin Sa daming kasalanan, kamalasan na dinulot ko Nagagawa mo pa rin na ako'y ipanalangin Mawala man ang lahat ako ay mananatiling Na mayaman hanggat ikay nasaking piling Namimiss kita kahit na hindi ko to maamin Mahal kita palagi Wag mong alalahanin Kabisado ko sarili Alam ko ang reseta Pag isipan bumubugso Pero kung sakaling 'di na 'ko muling makauwi Aking biskeleta ibigay mo kay bunso Mahal kita kahit ako'y Burdado na binata, tingin sakin ni mama Ako'y pariwara na, nababaliw na ata Ako sa iyong mga mata, bihirang magpakita Palaging ayos lang ako Ako na ang bahala Mahal kita palagi higit pa sa inaakala Para sa iyo handa ako na sumalo ng bala Ginagawa lahat upang muli kang makasama Ginagawa lahat upang hindi ka na lumuha ma