Kishore Kumar Hits

Lenses - Pagbisita Mo текст песни

Исполнитель: Lenses

альбом: Sequence


Maaga ang aking gising
Ano kaya ang sasabihin?
Itong kaba at tuwa'y nagkasundo
Ang nagpantay sa oras
Bawat patak at paghampas
Ng panahon ay masusulit ba?
'Pag sa'yo, bukas palagi ang pinto...
Ohh, bakit ba ang bilis ng araw
Tuwing ikaw ang dumadalaw
Lagi na lang sabik sa pagbisita mo
Ngayon ako'y
Nakangiti, naghahanda
At mamaya ay makikita
Inaasahan ko ang pagbisita mo
Ako ngayo'y nalilibang
Sa panahong inilaan
Sana'y ganun din ang nararamdaman
Ang dami-raming gagawin
Lagi na lang nabibitin
Sana'y kasama ka buong linggo
'Pag sa'yo, bukas palagi ang pinto...
Ohh, bakit ba ang bilis ng araw
Tuwing ikaw ang dumadalaw
Lagi na lang sabik sa pagbisita mo
Ngayon ako'y
Nakangiti, naghahanda
At mamaya ay makikita
Inaasahan ko ang pagbisita mo
Sa aking pag-imbita
Sa ganun, tayo'y nag-umpisa
Ako'y pinagpala
Sapagkat sumama ka
'Tong kwento sa mata
Sana'y iyong mabasa
Kung 'di man magawa sa salita
'Pag sa'yo, bukas palagi ang pinto...
Ohh, bakit ba ang bilis ng araw
Tuwing ikaw ang dumadalaw
Lagi na lang sabik sa pagbisita mo
Ngayon ako'y
Nakangiti, naghahanda
At mamaya ay makikita
Inaasahan ko ang pagbisita mo

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Maude

Исполнитель

bird.

Исполнитель