Darating din ang para sayo, darating din ang para sayo Darating din ang para sayo, para sayo, para sayo. I (Omar Baliw): Matagal tagal din na sumubok, hindi nangalay Hindi rin birong sakripisyo, aking inalay Tanim dilig inalagaan, mas sinipagan Sagabal sa aking paglago, ay inilagan Sadyang mapaglaro ang mundo, inutakan Panis parin ang kahirapan, inupakan Hindi nagpakulong sa kahon, nilawakan Ngayon kaginhawaan lamang, ang hinawakan Nasanay lang din kakalakbay Kakasagwan walang kasabay Walang kaakbay Papalag at kakalag yan sa buhay, dapat malaya Sasalag yan s'yang tunay, wag kang madaya Pumapatak na ang oras, maging mautak Kahit ano pa man humarang, dapat matulak Sulitin lamang bawat araw sagadin Wag ng pakawalan pagkakataon sakalin Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan Nang diskarte't lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan II (Ron Henley): Kilala nyo naman ako malihim Sa isang kagatan may tatoong ibig sabihin Pagpasensyahan n'yo nako, akala ko kasi sapin-sapin Ang kakaning nais ninyong kainin Sanay sa puyatan kaya naman madalas tinutulugan Sa una mahirap makuha ng isang upuan Sa bawat inuman may aral ka ring kapu-pulutan Mas maigi na rin sinubukan kesa sinukuan Ika nga ni Gloc, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Ako yung ligaw ng tupang napadpad sa may kambingan Nagising bigla yung diwang natutulog sa pansitan Lakad pasulong kahit madaming nakaharang Dinaanan ang lansangan bibihira lang lakaran Tinuloy tuloy ko lang hanggang sa makabisa At malay mo naman sa makalawa makaisa Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan Nang diskarte't lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan Darating din ang para sayo (para sayo) Maghintay kung hindi man ngayon (hindi man ngayon) Daming balakid alam mo na 'yon (alam mo na 'yon) Pero darating din ang para sayo Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan Nang diskarte't lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan Darating din ang para sayo, darating din ang para sayo Darating din ang para sayo, para sayo, para sayo.