Kishore Kumar Hits

Omar Baliw - Inumaga - J-Lhutz Remix текст песни

Исполнитель: Omar Baliw

альбом: Inumaga (J-Lhutz Remix)


Uh, inumaga na hanggang may mapala
Tingnan mo ideya namin, gumagana na
Madapa-dapa 'yung dating pakapa-kapa
Ngayon ay pasampa-sampa 'yung dating pakaba-kaba
Pasensiya na kung kailangan namin na mang-iwan
Hindi na namin kasalanan, ayaw n'yo umusad
Pangarap kinilusan, sarili'y pinuhunan
Sarili ang makikinabang sa pinagpawisan
1096 Gang, kasama namin, Omar B
Eight beats, malupit, tenga mo kinalabit
Kaakit-akit mga salitang sinasambit
Kapit-kapit aral, damahin ang aming hagupit
Siksikan ng puso kada likha
Kilos sa pangarap, inuna may mapala
Aral sa dapa, tayo at maggagala
Tuloy lang aming paa, hakbang, sipag ang dala
Tahimik lang palagi, gan'to lumagari
Manda' at Makati, galawan hindi mawari
Sining nakatali, pusong nakasapi
Tanim dumadami, mabuti ang maaani parati (uh)
Tingin nila mga sira
Ayos din abutin tiningala (uh)
Sa pagdating, tila dami nabigla (ah)
'Di ba ang galing? Kilos, tanging simula (mmm)
Ng pag-usad na parang walang katulad
Parang tinatanaw, eh, lagpas sa ulap
'Di na kupad-kupad, ni hindi nangupal
Ligtas na nasa kuta, andito lang sa gubat
Sa kongkreto na siyudad, dumidiskarte
Parte binabalanse, kaalaman 'binahagi
Mga nega, 'di na bale, alam namin, dinadale
Ginagawa na namin, 'di lang basta sinasabi
Uh, inumaga na hanggang may mapala
Tingnan mo ideya namin, gumagana na
Madapa-dapa 'yung dating pakapa-kapa
Ngayon ay pasampa-sampa 'yung dating pakaba-kaba
Pasensiya na kung kailangan namin na mang-iwan
Hindi na namin kasalanan, ayaw n'yo umusad
Pangarap kinilusan, sarili'y pinuhunan
Sarili ang makikinabang sa pinagpawisan
Grabe 'yung pagkasabik ng mga tao
Omar B, 1096, sa beat nagsalo-salo
Mga naimbak na lungkot ay maglalaho
Sa musikang hatid sa isip, puso, naging klaro
Piliin mo lang kung sino nasa paligid mo
Sipag at tiyaga sangkap, maabot pangarap mo
Respeto sa sarili, itaas mo ang porsiyento
Mahirap man ang buhay, mananatili kang kalmado
Dami na ring nangyari, bigat ng karga sa biyahe
'Binahagi ang bagaheng puno ng baka-sakali
Kami 'yung nakisali na mayro'ng sinasabi
Itaas ang kapayapaan at musika sa kalye
Pinagpuyatan namin 'gang sa inumaga na
'Di tinatamad, kinikilusan at kinakana
'Di pwedeng ngumangawa, laging may ginagawa
Grabe 'yung balik ng mga pawis ko na nawala
Kakabingi lang 'yung mga bulong
Laging binibilang kada gulong ng mga gulong
Bawal umatras, lagi kaming pasulong
Silipin mo sa labas kung gaano umusbong
Ang mga tinanim, diniligan tapos inani
Inipong enerhiya na mabuti 'gang dumami nang dumami
'Di kayo malilimutan kung sakali
Lagi kang parte ng kung ano man mangyayari
Uh, inumaga na hanggang may mapala
Tingnan mo ideya namin, gumagana na
Madapa-dapa 'yung dating pakapa-kapa
Ngayon ay pasampa-sampa 'yung dating pakaba-kaba
Pasensiya na kung kailangan namin na mang-iwan
Hindi na namin kasalanan, ayaw n'yo umusad
Pangarap kinilusan, sarili'y pinuhunan
Sarili ang makikinabang sa pinagpawisan
Wala silang alam pa'no kami lumaganap
Malayang nilalang, walang sino mang may hawak
Aming utak, sangkatutak na ideya binato
Pwede kang makisabay kung isa ka sa sumalo ng aming ulat
Tanging pag-ibig ang tinulak
Dating mga praning, ngayon ay ang titino na
Mala-Shiva, mala-Buddha, malaki ang tinamong galos
Bago marating ang kamalayang ganito
Pare, 'wag kang malito kung ba't kami ganito
Kalmado natatamo kahit hindi nakadamo
Masdan mo sa mata mo, imahe ng Panginoon
Sa makabagong panahon, walang iba, kami na 'yon
Uh, hindi napagod mag-isip
Dito matatalo, sino unang mainip
Walang kasiguraduhan ang biyahe 'pag atat
Ngayon, tila lobong nabitawan aming pag-angat
'Di na maaawat, sino mang pumigil
'Pag umabante na, kasalanan nang tumigil
Dami mang balakid, paghinto 'wag mong balakin
Kasama mo salain ang lagay, 'di alanganin
Samahan ng dalangin, doblehin lagi galaw
Kung kailangan gapangin ay hindi 'to aayaw
Hanggang sa matanaw ko ang lahat ng nais
Pagdating sa tuktok, sulit lahat aking pawis
Kaya iaabot ko ang aking mga kamay
Bilang kuya, silbi ko maging isang gabay
Kasi naging ligaw din, buti naitama
Salamat sa umakay, mundo sa 'kin nakisama
Uh, inumaga na hanggang may mapala
Tingnan mo ideya namin, gumagana na
Madapa-dapa 'yung dating pakapa-kapa
Ngayon ay pasampa-sampa 'yung dating pakaba-kaba
Pasensiya na kung kailangan namin na mang-iwan
Hindi na namin kasalanan, ayaw n'yo umusad
Pangarap kinilusan, sarili'y pinuhunan
Sarili ang makikinabang sa pinagpawisan
Inumaga na hanggang may mapala
Tingnan mo ideya namin, gumagana na
Madapa-dapa 'yung dating pakapa-kapa
Ngayon ay pasampa-sampa 'yung dating pakaba-kaba
Pasensiya na kung kailangan namin na mang-iwan
Hindi na namin kasalanan, ayaw n'yo umusad
Pangarap kinilusan, sarili'y pinuhunan
Sarili ang makikinabang sa pinagpawisan

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Mhot

Исполнитель

Lexus

Исполнитель

A$tro

Исполнитель

CLR

Исполнитель

Awie

Исполнитель