Para san ba at nagsusulat ka Natutuwa kapag nag-iisa't nagkukumanta Nawa'y 'wag kang mangamba kung magugustuhan ba Pagkat katuwang mo ang pagsusulat para sa katunayang may katuturan ka Mapa-galit o pag-ibig, nangyayari sa paligid Motibo o mithiing sinasalin mo sa hilig na sumulat, sinasakto pa sa himig Nagmamarka ang bawat sumasagi lang sa isip Ika'y nagbabahagi lamang ng kwento sa taong Sa pagpapahalaga, hindi palaging may espasyo Pagkat ang buhay, 'di pare-pareho ng senaryo Na 'di tulad ng tula, hindi tugma bawat estado Kaya 'di lahat naaarok ang sukat ng nilalarawan mo sa nais isulat Kung 'di nila ramdam ang pinanggagalingang sugat Damhin mo na lamang sa halip na makiusap O pilit ituro pa ang punto kung sakaling 'Di makuha ng buo ang pagbuod mo ng detalye Bukod sa mga nakikinig ng malugod, marahil 'Di lahat ay kasundo mo sa paghahatid mensahe Ngunit anumang komento na namimikon Tanggapin lang, 'di mo kaylangang humingi ng kondisyon Tulad ng sulatang papel, dapat parang ikaw din 'yon Na bukas sa lahat ng kahit anong opinyon Dahil 'di lahat naaarok ang sukat ng komplikadong sulat mong higit kanino man Ikaw ang nakakaramdam ng pinanggagalingang sugat Kaya damhin mo na lang, 'di mo kaylangang makiusap Ano kung walang amor o papuring nakukuha Imbis na masuportahan ay sinasalaula Ano kung sa pagpabor ng ibang tao'y mabigo ka Wala mang naghahabol, 'di yan rason na huminto ka Kung nasa puso't isip, tunay ka na malikhain Gamit ang mga titik, ang ideya'y paganahin Anumang paksa ang ibig mong gawin o talakayin Kung ilan ang tatangkilik, 'di na kaylangang bilangin Kaya nga at nagsusulat ka Natutuwa kapag nag-iisa't nagkukumanta Nawa'y 'wag kang mangamba kung magugustuhan ba Pagkat katuwang mo ang pagsusulat para sa katunayang may katuturan ka May katuturan ka Magsulat ka lang May katuturan ka Magsulat ka lang May katuturan ka Magsulat ka lang Magsulat ka lang