Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango Dito sa Silangan ako isinilang Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Ako ay may sariling kulay kayumanggi Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili Kung ating hahanapin ay matatagpuan Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan Subalit nasaan ang sikat ng araw Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran Sabi ni hepe wag tayong manggaya Wag kang manggagaya kung di mo rin kaya Mangopya ka man siguraduhin mong Mas mahusay sa kinopyahan at matinong matino Kahit ilong mo ay baliko kahit na panget sarat at pango Basta't pantay-pantay walang kulay walang away awitin nating sabay-sabay Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango Dito sa Silangan, tayo'y isinilang Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Subalit nasaan ang sikat ng araw Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango] Aking sina-saisip at puso't damdamin at may paniwala sa sariling atin Gawa na pinoy maipag mamalaki isigaw sa mundo at ipagsabi Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol Katulad ng iba, painglis-inglis pa Na kung pakikinggan, mali-mali naman Wag na lang Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol Katulad ng iba, painglis-inglis pa Na kung pakikinggan, mali-mali naman Wag na, oy oy Oy, ika'y Pinoy Oy, oy, ika'y Pinoy