Kishore Kumar Hits

Michael v - Joke Time текст песни

Исполнитель: Michael v

альбом: Joke Time


Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali
Hoy, mga kabayan, narito uli ako
At may bagong pakulo, siyempre para sa inyo
Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali
Super ang problemang ating pinupuno
Lumindol at bumagyo, sumabog pa ang Pinatubo
Gusto mong tumakas, gusto mong makawala
Well then, sumabay ka sa 'kin, at ikaw ay makitawa
Hindi kailangang mga joke mo ay super sa kuwela
Basta't mahalaga, man, ito ay bumebenta
At kung sa tingin mo nama'y hindi mo na makaya
Well then, 'wag mo nang pigilin, tayo'y magpatawa
Ano'ng hayop ang laging nauuntog? (Eh 'di, dog)
Eh, ano namang hayop ang napuputol? (Ah, 'yung cat)
Ano'ng hayop naman ang hindi sigurado? (Eh 'di, baka)
Oh, eh, ano'ng hayop naman ang laging nasa banyo? (Kambing, kasi mee-hee)
Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali
Okay pampalipas oras, okay na libangan
At puwede ring gamitin pagdating sa ligawan
'Pag napatawa mo ang babae ng 'yong buhay
Ayos na ang lahat, kahit na 'di kayo bagay
Mas gusto kong tumawa kaysa sa mamroblema
'Wag mong intindihin ang sa 'yo'y naiintriga
Wala lang silang magawa, kaya nagwawala
Kung type niyong magpabida, tayo'y magpatawa
Ako naman, ah? Ano ang tawag sa hari na kalbo? (King-tab)
Oh, ano naman ang tawag sa hari na kulot? (Eh 'di, king-ky)
Eh, sinong hari naman ang mahilig magpatawa? (Si King-koy)
Eh, sinong hari ang sikat na singer? (Ah, si King-pee de Leon)
Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali
Joke, joke, joke time
Wala ring mangyayari kung ika'y magmunimuni
Ang mas okay, bawat oras, tayo'y laging happy-happy
Sa dami ng problema, sumasakit ang ulo
'Pag medyo napagrabe, wow, atake pa sa puso
Ngayo'y nakangiti ka na, hindi na pensiyonada
At kung mayro'ng problema, dinadaan sa tawa
Hindi ka na mabubuang, hindi na maloloka
'Pagkat mga Pinoy, 'pinanganak na nakatawa
Ano'ng tawag sa bubuyog na kalbo? (Ah, si Bembol Bee)
Oh, eh, ano namang tawag do'n sa bubuyog na tamad? (Eh, walang sil-bee)
Eh, 'yung bubuyog na hindi bubuyog? (Tutu-bee)
'Yung bubuyog na marunong mag-rap? (Ah, si Michael Bee)
Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali
Joke, joke, joke time, tanggal ang 'yong problema
Joke, joke, joke time, goodbye na rin sa drama
Joke, joke, joke time, kahit na corny, puwede
Joke, joke, joke time, lahat kayo kasali

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители