Kishore Kumar Hits

Michael v - Extro текст песни

Исполнитель: Michael v

альбом: MTB Myusik Tagalog Bersiyon 2


Maraming salamat sa inyong pagpili ng MTB
Myusik Tagalog Bersiyon 2
Nakasisiguro kayong lahat ng husay at galing ay ibinuhos
Upang mapaganda ang produktong ito
Ang plastik na kaha na kinapapalooban ng cassette o compact disc
Ay yari sa pinakamataas na uri ng plastik
Na nagbibigay sa inyo ng pagkakataong
Makita ang papel na pabalat
Matatagpuan din sa pabalat ang dalawang limited edition MTB 2 staple wires
Na tanging ang produkto lamang na ito ang naglalaman
Ang cassette o compact disc na pinakikinggan niyo ngayon
Ay dumaan sa isang masusing quality control
Upang lubos niyong kalugdan ang kalidad nito
Ang dalawang butas ng cassette at ang butas sa gitna ng compact disc
Ay sinukat at itinala ng mga dalubhasang inhinyero
Upang lumapat sa inyong cassette player o compact disc player
Ang tape sa loob ng cassette ay kinulayan ng brown o kayumanggi
Na nagsisimbolo ng ating lahi
Samantalang ang compact disc naman ay ginawang parang salamin
Upang maalala niyo'ng inyong itsura tuwing kayo'y makikinig
Buong karangalan naming inihandog sa inyo ang MTB
Myusik Tagalog Bersiyon 2
Sana'y nasiyahan kayong lahat sa pakikinig
Sa mga hindi pa nasisiyahan
Baliktarin lamang ang cassette tape at pindutin ang play
O 'di kaya'y pindutin ang repeat sa CD player
Upang muling namnamin ang musika ni Michael V
Musikang may moral lesson at mataas ang u-
Ay, excuse me, puwede bang burahin 'yon?
(Kuya, 'di raw puwede, naka-print na 'yon, eh)
Teka, sandali, hoy, burahin niyo 'yon

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители