I- Hindi alam Kung paano Sisimulan ang araw na wala ka sa tabi ko Balisa at di makausap Namimiss ko na ang 'yong mga yakap Alam kong mali ako hindi ko yun itinatanggi sayo Sorry mahal ko Natukso lang ako Di inasahang hahantong sa ganito Sinukuan mo ko Pero biglang nalamam ko kayo na ng kaibigan ko Gumuho ang aking mundo Dahil sya ang karamay ko Nung mga araw na ayaw mo na Akala ko ay kakampi ko sila Pero mali pala Dahil my relasyon kayong dalawa Bakit kaibigan ko pa Ang napili mong mahalin Alam ko na sya na ang dahilan Kaya ayaw mo na sakin Alam kong nag kamali ako Pero mas masakit yung ganti mo Mahal salamat sa pinag samahan Kakayanin kong mabuhay mag isa ngayong wala kana II- Yung kaibigan kong kinikilig Sa tuwing ang labi koy dumadampi sayong bibig Kapag ang salitang mahal kita ay kanyang naririnig Ay meron palang pag nanasa na nakatago sa dibdib Oo nag kamali ako Hindi ko yun tinatanggi Pero hindi ko matanggap ang masakit mo na ganti Yong mahalin mo ang kaibigan kong pinag kakatiwalaan At sinandalan ko nung araw nang akoy iyong iniwan Yung taong nakakita ng patak ng mga luha ko Yung taong nakaramay nung araw na nag dudusa ko Kaibigan na saksi sa mga hirap kong dinanas Ang hindi ko alam palihim pala akong inaahas At hindi ko alam kasi parang planado ang lahat Bukoda sa inaahas nyo ko gusto nyo pa akong ibagsak Pero magkaganun pa man minamahal parin kita Yung pangarap natin gagawin ko yun ng mag isa Bakit kaibigan ko pa Ang napili mong mahalin Alam ko na sya na ang dahilan Kaya ayaw mo na sakin Alam kong nag kamali ako Pero mas masakit yung ganti mo Mahal salamat sa pinag samahan Kakayanin kong mabuhay mag isa ngayong wala kana