Kishore Kumar Hits

Shanti Dope - Maya текст песни

Исполнитель: Shanti Dope

альбом: Maya


Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Nagpaulan ng talento 'yung panginoon
Sa bago kong henerasyon
Ang isipan na nakalabas sa kahon
Kapag isa ka sa 'min alam mo na 'yon
Kahit lumaki sa kalsada
'Di pa din nawalan ng pag-asa
Para sa kabataan ko na kababayan
Wala kang hindi makakaya
Na para bang ibon na maya, malaya
Sa himpapawid gustong lumipad
Ano mang pagsubok ang makasalubong
Ay kayang dalhin kahit mabigat
At bagong pag-asa ng bayan
Gumagawa ng kasaysayan
'Di basta nagpapatangay sa agos
Meron din gustong patunayan
Malaya ang pag-iisip bukas ang puso at diwa
Sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila
Diretso 'di tumitigil madami ma'ng humihila
Pababa ay positibo pa din dalang enerhiya
'Di nawawalan ng gasolina
Kahit malayo ang biyahe
Nakakabingi man ang mga busina
Makina mainit pa sa kusina
Para sa kinabukasan gusto ko makita
Bago sa kama dumilat
'Di nila mapipigilang
Kasabay ng bagong araw sumikat
Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
May puso, talino, may sipag, madiskarte
Sa iskwela, estudyante
'Pag sa bahay, negosyante
Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe
Bangketa sa tanghali
Ang presyo kalahati
'Di natatakot sabihin ang gusto sabihin
At walang piring sa mata
Hatid ay liwanag sa bawat silid
Na may kadilimang hindi makapa
Buong kalawakan napapabilib
Kasi malupitan na talaga
Mga kabataang napaka solido
Kahit na 'di mo pa halata
'Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya
Pinakabago, hindi nakapako na lang
Sa mga makalumang ideya
Parang bukas na libro
Walang itinatago, paningin ay klaro
Sa mga gusto pa maging
Sa tuwing haharapin
Taong na sa salamin
Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto
Ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo
Kayamanang matatawag ay kung meron ka nito
Pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo
Sa tuwing tinatanong ng "ey kamusta"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim
Lalong lumalalim

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Basic

2022 · Мини-альбом

Похожие исполнители

SUD

Исполнитель

Apekz

Исполнитель