Kishore Kumar Hits

Loonie - Ganid текст песни

Исполнитель: Loonie

альбом: Ganid


Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Napakadami-dami dami-dami mo namang mga taga hanga
Talented ka pala
Hindi lang sa battle, hanep din sa kanta
May manager ka na ba?
Grabe na talaga, dapat nga may sarili ka ng billboard sa edsa
Mga guesting kay vice ganda
Wag ka mag aalala
Ako mag pa-paikot ng pera
Taga ipon ng benta
Para di ka makalimot ako ang taga bilog ng petsa
Maraming hahangaan
Taga higop ng pwersa
Lagaring bakal
Taga ikot ng fiesta
Taga bayad ng payola
Taga hilot ng pyesa
Hahamigin lahat ng nakapalibot sa mesa
Kabisado ko na ang lahat ng pa-sikot sikot ng naka-kahilong sistema
Kaya kung ako sayo wag ka na mag pa bebe pa
Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera para makapag selfie ka
Orig na mga damit, walang replika
Tapos dadalhin kita sa america
Ipapa-collab kita kay Fetty Wap
International mala Jose Rizal
Talagang heavy-gat
Galawang demi-god
Kahit kailan hindi ka na mag pe-pedicab
Hatid sunod ka ng kotse sa hellipad
Kung ayaw mo parin pumayag, edi wag
Ang importante dapat happy ka
Papa-lakasin pa kita parang makina
Basta pirmahana mo lang to lahat
Bawat pahina, wag mong basahin ha
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
May pera ka daw na dumating nitong martes
Kaso lang sa sangdaan ni Taguro bibiyak pa ng trentasi ginoong Valdes
Wala na atang mas lulupit mang iipit sa gitna ng mga guhit, kudlit, gitling at tuldok, kuwit
Talagang halatang mang uumit
Puro hit pano pato maitutuwid
Naglagay ka sa plato ng puro hit
Kaso platito lang ang bumalik
Para makuha mag makaawa ka muna ng may matang nag tutubig
Paraiso para sa mga garapata ang ulo lang ay paa tsaka pata
Pagkakita nila sakin na bata pa swak sa, kasa kahit nilagyan ng atsara
Kumapit sa kamay, gumapang hangang siko
Hindi mo makikita sa kapal ng balahibo
Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo
Di porket asal askal hindi na matalino
Ako ay napasugod, apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod
Huli ko sila, sa akto hubo't hubad sa kumot
Nagpapaligsahan mga kuto at surot
Puro asungot ang nakakasalamuha
Eto ba ang nakukuha sa pag lalakad sa lupa
Pakiusap tirhan nyo ko ng dugo
Binigyan ko kapiraso tinangay pa yung buo
At kung nakaisa ka man sa akin maaaring nakachamba
Dinila-ng paa na lang baka nakakalimutan mo na mas mabilis ang karma
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Kailangan na natin magising
Sa kanilang mga balak na maitim
Panay hassle na mga processing
Panay promise sa mga promising
Tsaka aanhin ko yang photoshoot sa magazine
Kung yung pera ko wala parin
Bakit tila di madinig ang mga daing
Di ko narin alam ang aking gagawin
Nakakapraning mga magnanakaw ng palihim
Mga mandarambong na may marketing
Ang mga sakim tumitira habang walang nakatingin
Di ko napapansin na yung publishing
Naibenta na pala nila sa magic sing
Wala man lang kinita ni katiting
Kung sino kusinero sya pa di nakatikim
Ngayon bilang magulang
Halos lahat ng raket ay pinapatulan
Sumasakit lalamunan ngunit ang aking kinikita tila ba kulang
Tanghalian hapunan sardinas ang ulam
Sino nga bang di mabibilaukan sa di mabilang na utang
Nag tatanong sa kapalaran bakit pinagdamutan
Gusto ko ng makalabas sa aking pinapasukan
Layasan ko kaya, tignan ko kung di matauhan
Dapat matagal ko na silang, pinakasuhan
Di manlang sinapatusan di manlang pinabaunan
Ang kapal ng mga muka di ko to sinangayunan
Isa sa pinaka unang pinangakuan
Kinalaunan daig pa ko ng binalatuhan
Pinag planuhan ng mga pasistang dayuhan
Oportonistang madupang sa kanilang bakuran lang pala
Mapupunta lahat ng aking pinag paguran PUTANGINA!
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Mhot

Исполнитель

Lexus

Исполнитель

CLR

Исполнитель

Apekz

Исполнитель