Kamusta na Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid Ako ito gumagawa ng kasaysayan Tamang himay ng mensahe na maihahatid Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis Lubos ko na kayong namimiss Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina Ba't ako magtutulak kung maraming gasolina Bawat isa sa aking mga nakatagong rima Tila payong hinuhugot sa pabago-bagong klima Kaso di natatakot sa apoy at arsonista Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista Armado ng tinta, mautak pa sa pogita Ganyan sa umpisa, sadyang nagpapatalo Bida bago ipakita ang isang daang porsyento Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining Basta may pag-ibig na kalasag ay pilit na papalag At mananatiling naglalagablab Kamusta na Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid Ako ito gumagawa ng kasaysayan Tamang himay ng mensahe na maihahatid Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis Lubos ko na kayong namimiss Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang Handa kang sagasaan ng hindi bumubusina Puro pangako ng pangarap na kumukutitap Puro gustong kumita lalo nung umuso hip-hop! Puro subpoena, diyos ko por bida Puro gunggong na gusto lang manghila Doon sa pila puro bulok na media at kolumnista Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan Nakakatamad nang pag-isipan ang mga bara Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala Ngunit pag nakakabasa ng liham ng tagahanga Unti-unti na naman nagniningas ang mga baga Bumabalik ang gana sa t'wing naaalala Tilian, palakpakan, hagikhikan mga tawa Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata Ako'y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada! Kamusta na Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid Ako ito gumagawa ng kasaysayan Tamang himay ng mensahe na maihahatid Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis Lubos ko na kayong namimiss Sa t'wing ako'y sumusulat ng mga tula At mga kantang pinagsisikapang mabuo Matiyak sapul pati puso at kaluluwa Sapagkat hindi lang isip ang busog Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin Ay pawang mga taga-hangang nahihiyang umamin Lahat ng taga-hangang habambuhay sumuporta Ng masugid ay tinuturing kong tunay kong katropa Lahat ng tropa kong dikit sa ginhawa at sakit Itinatrato kong higit pa sa kapatid Kasama sa init at sa lamig Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid Naaalala nyo pa ba ako? Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko? Lumalabas sa TV na parang si sadako Naaalala nyo pa ba ako? Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle takot ka bang matalo Kamusta na Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob Kamusta na Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko? Lumalabas sa TV na parang si Sadako Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle takot ka bang matalo?