Gusto ko na mapasa'kin ka Pero hindi ko naman maamin na May gusto ako sa 'yo, kinakabahan ako Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa Isang katulad mo na para bang prinsesa Ang pera ko lang ay pambili ng Selecta Sa dami ng manliligaw, daig pa sa Ginebra Tapos 'yung tatay mo ang tindi pa ng depensa So pa'no na 'yan, ano na'ng gagawin ko? (Ha-ha) Baka may syota ka na sa susunod na linggo Laging may de kotse na dumadaan sa inyo Eh, kung ako 'yun, baka sarahan ng pinto Kaya nagkulong na lang maghapon sa aking tahanan (ha-ha) Tatanggalin ko na lahat ng 'yong mga larawan Gusto ko nang sumuko, taas na ang puting bandila Kaso pagtanggal ng pako ay mayro'n akong nakita Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap Pawis na pawis na sa kakatayo Baka makita ako'y nagtago Palingon-lingon kaya hindi maka-diretso Kapag nakalingat, sige, balik ulit sa pwesto Ito ba 'yung tinatawag na pag-ibig? Pag-ibig na nakuha ko lamang sa 'king pagtitig 'Di ko sinasadya, hindi ko rin pinilit Okay lang sa 'kin kahit na maghapon na nakasilip Makita ko lamang siya Kahit ano'ng posisyon ay maganda Takot akong magsabi at malaman niya Sa diskarte ko walang aagaw pa At sana nga 'di niya ito mahalata (ha-ha) Kasi araw-araw ko na nga itong ginagawa Wala akong magagawa kung ako man ay mataya Gano'n na talaga, makasalanan ang mata kaya Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap 'Di ko alam kung bakit ba takot magbalak Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali Pero mas madali sa pasulyap-sulyap Dumaan ang mga araw, wala pa ring nagbago Ayos na 'to, kay sa naman biglang maglaho Nakakapagod din pala 'yung tago nang tago Pero sa dami ng nakita ko, 'yon masaya na ako Ang problema parang may mali No'ng huling tingin ko, siya'y nakangiti Tapos ako'y biglang hindi mapakali Binulabog ng pintig na nakakabingi Ako'y napatabi sa gilid Simpleng tingin lang, tahimik Bumigat ang hangin, ang aking ikinagulat No'ng ika'y lumapit sa 'kin at ako'y kinausap Panaginip lamang 'to, maniniwala ba 'ko? (Ha-ha) Tapos sabi mo sa 'kin, "Alam mo na'ng ginagawa ko" Mayro'n kang binulong, naging mulat aking mata 'Pag 'di ako nakatingin, sumusulyap ka rin pala Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap 'Di ko alam kung bakit ba takot magbalak Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali Pero mas madali sa pasulyap-sulyap