Kishore Kumar Hits

Apekz - Mitsa текст песни

Исполнитель: Apekz

альбом: Mitsa


Nagpapakilala mula sa mundo ng sining na walang tanikala
Pinag-aralan, pinasa upang matawag na isang makatang bihasa
Para sa mga nagtatanghal, ito ay para sa inyo wala, nang iba pa
Ikaw ang pinaka sa sarili mong istorya at 'di ka namamalik mata
Banat lang nang banat, malay mo bigla na lang na makaisa ka
Pati pamato, naitaya kong pamusta, basta maikasa
Sa mero'n o wala bahala na kung ano ang tinakda
Mero'n diyang gutom, pero sikat na
Tinangay yung datung mula sa kanta ha!
Ako'y para bang ligaw na tupa sa mga kasama ko na Buddha
Tsumempo 'di nanguna, nagbanat ng buto na muna
Pulikatin man sa kakatingkayad ay pipilitin pa rin na makuha
Abutin ang mga tala habang nakasayad ang mga paa sa lupa
Salamat sa pag-imbita, musika alam mo na mahal kita
Buti pa si Pain ang naiiba, dahil sa napakadami nila
Mga wanna be na manggagamit 'di malaman kung bakit
Tinuring mo naman na kaibigang matalik
Nasilaw, naakit dapat sa kanila walang itira kahit isa
Ang sandata ko sa gitna
Papel, tinta, puso at salita
Tuwing sasampa ako ay sabik na
Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa
Balanse lamang ang timpla
Papel, tinta, puso at salita
Malamang mayanig kaya kumapit ka
'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa
Sa tapat ng mga ilaw, sa harap ng mga tao
Marami man o kaunti hindi magbabago ang bawat pag-akto
Humanap ng enerhiya, kumakagat yung sativa
Kung gusto mong gumanap na bida sa
Karera ang kailangan ay bayad ang prangkisa
Hinog na kalidad kahit hindi mainit hinahanap ng madla
Para karapat-dapat ka talaga sa inaasam mong halaga
Nu'ng una ay hindi ko masabe, tingnan mo nangyare
Sinasabotahe ng dahil sa haliparot na babae
Ngayon ay hindi mo na pwede pang maibalik 'yung dati
Sino ba naman ako isang tuldok na nangarap?
Kung gustong makipagbuno ay malugod kong winawasak
Ulupong na puro bulong sunog sa pugon papuntang alapaap
'Pag humarang parang sinalubong 'yung
Habagat habang nakalutang du'n sa dagat
Tipong sawa na si Nobita at naging pinakasiga
Ang gasolina pampakalat ng apoy maituturing bitamina
At kung maliit pa rin ang tingin sa kabila ng mga pinakita
Tanggapin kung mahina, kung mali s'ya paulanan ng dinamita!
Ang sandata ko sa gitna
Papel, tinta, puso at salita
Tuwing sasampa ako ay sabik na
Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa
Balanse lamang ang timpla
Papel, tinta, puso at salita
Malamang mayanig kaya kumapit ka
'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa
Kung minsan parang ang sarap bumalik sa pinagmulan
Tanggalin ang muwang, kahit na saglit na
Makita ko lang 'yung batang paslit na sabik sa ulan
Walang problema kung walang malaking laruan
Lumaki naghanap ng salapi, kaso lang sa landas kung saan dapat
Aking apuyan hanggang maging abo ang entabladong nais tungtungan
Upang makarating sa rurok, umakyat, nahubog sa pagrap pagsubok
Hinarap, nagbakasakaling may mabuong alamat sa sulok sa lapag
Kahit na ang tulog ay hindi sapat
Sa bubong maglakad, masunog ang balat
Kahit tumaob nabuhos ko lahat
Ang sandata ko sa gitna
Papel, tinta, puso at salita (salita)
Tuwing sasampa ako ay sabik na
Gusto ko nang sindihan 'yung mitsa
Balanse lamang ang timpla
Papel, tinta, puso at salita
Malamang mayanig kaya kumapit ka
'Pagkat gusto ko nang sindihan 'tong mitsa

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Zjay

Исполнитель

Mhot

Исполнитель

Dello

Исполнитель

Kjah

Исполнитель