Sinabit ko sa bintana ang aking hiling Saad ang mahabang listahan ng 'yong muling pagdating May sukli nga ba ang maghintay? Mahigawa ang dahilan kung ba't 'di ka abot kamay Hinulog ko sa balon ang pisong dasal Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay? Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda Ang takda Katulad mo din ba ako, pangarap ang magbalik Sa araw na tayo ay wala pang alam Sa unang araw na magtagpo na masarap ang maging mangmang Tila hindi iniisip na magtatapos ang saya Hinulog ko sa balon ang pisong dasal Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay? Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda Ang takda Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda Ang takda Ang takda Ang takda Ang takda