Paikot-ikot nakatago sa isang sulok mo. Nananaginip umiiyak sa mga bangungot mo. Alaala pa ba? Nasaan na kaya? Ang lumipas sa isang kumpas nawala. Noon pa man ay alam ko na. Sa mga panaginip ko nakita, magiging bahagi ka ng isang makulay na tula na aking ipipinta punong-puno ng pag-asa. Asan na? Asan na? Naglaho na parang bula. Mga damdamin nilarawan sa hangin lumilipad na. Nagulat sa tinadhana umasa sa isang tula. Iniwan akong lito't namamalikmata tuwing umaga. Alaala pa ba? Nasaan na kaya? Ang lumipas sa isang kumpas nawala, nawala. Mula sa langit, naghahanap ng mga sagot na anod-anod munting bangka ng sigalot. Mga nawawalang sagwan, bituwing marikit na nagtuturo ng daan. Saan man, saan man. Alaala pa ba? Nasaan na kaya? Ang lumipas sa isang kumpas nawala, nawala. Ayay, yayay!