Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan Di mo ba maramdaman Nanginginig ang lupang inaapakan mo Ang dating di gumagalaw ngayo'y di na mapigil Di na masugpo Usok – isinilang sa impyerno't binitiwan Sumasayaw-sayaw Naglalakbay patungong kalangitan Sinusumbong sa hangin Ang umaalsang apoy sa katimugan Taglay ang bahid na itim Bandilang isinabit sa katahimikan Mmmh, mmmmh, mmh Mmmh, mmmmh, mmh Di mo ba maramdaman Nanginginig ang lupang inaapakan mo Ang dating di gumagalaw ngayo'y di na mapigil Di na masugpo Usok – sakay-sakay sa hanging amihan Dala-dala'y aralin na galing pa sa kasaysayan Ang taong nagpupunyagi'y Aahon at aahon din sa kahirapan Ang taong inaapi'y Babangon at babangon din sa bukang-liwayway Mmmh, mmmmh, mmh Mmmh, mmmmh, mmh Ang bayang nagpupunyagi'y Aahon at aahon din sa kahirapan Ang bayang inaapi'y Babangon at babangon din sa bukang-liwayway Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga