Ang panganay ng umaga'y sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat sa lawak ng mundo Mga burol at kabundukan, nakahanay sa abot-tanaw Bughaw na langit at kapatagan, magkasintahang nagtatagpo Lawa, ilog, dagat Lamig, tamis, alat Ulan, agos, alon Haplos sa pisngi ng panahon ♪ Sanlibong ulap nagliliparan, kasabay ng agila at lawin Bulong ng simoy, awit ng hangin, at sigaw ng buhawi, hey ♪ Ako'y tao lamang Tagabigay ng pangalan Tagasukat, tagabilang Munting butil sa sanlibutan ♪ Ang panganay ng umaga'y sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat sa lawak ng mundo