Dumaan ako sa tahimik na ilog Ang buong mundo ay parang natutulog Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog Parang ang puso ko itong nadudurog ♪ Kung mag-isa ako ay h'wag nang isipin Sa dilim ay dapat pa akong hanapin Habang may luha ay h'wag pang ibigin Sa pangarap ko ay h'wag nang gisingin Kaya kong maghintay sa mga tula mo At makinig sa awit mula sa kabilang dako At sa paglalakad sa lilim ng mga puno Matutuklasan ang laman ng pusong malayo ♪ At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni At hihinahon na itong hindi mapakali At makakahimlay sa mapayapang gabi Dumaan ako sa tahimik na ilog Ang buong mundo ay parang natutulog Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog Parang ang puso ko nga itong nadudurog Parang ang puso ko itong nadudurog