Ikaw ay nagdaramdam, puso ay nagdurugo Hindi mo yata alam kung sa'n ka patungo Ikaw ay naliligaw, isip ay nalilito Ayaw mo nang gumalaw, hindi ka sigurado ♪ Ikaw ay napupuwing, minsan nabubulagan Mata ay nakapiring, daan ay kadiliman Ikaw ay nadadapa, napipilayan din 'Di makapagsalita, ano'ng ibig sabihin? ♪ Wala, wala namang... Wala namang perpektong tao Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ikaw ay nawawala, minsan ay nawawalan 'Di ka naniniwala, puno ng alinlangan Ikaw ay nanliliit, ligtas ka ba sa rehas? Bakit ka nakapiit? Bakit ka tumatakas? ♪ Ikaw ay natatakot, parang walang hangganan Ang kirot ng bangungot, 'di mo makalimutan Ikaw ay nanlulumo, bilang na ba ang araw? Gusto mo nang sumuko, mundo kong nagugunaw ♪ Wala, wala namang... Wala namang perpektong tao Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ikaw ay inaalon, walang kalaban-laban Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman Ikaw ay nalulula, agad kang nahuhulog Bumabagsak sa lupa at biglang madudurog ♪ Ikaw ay nagdurusa, kaya pa bang tumagal? Hindi na makahinga, lalo pang nasasakal Ikaw ay dumadaing, dala mo ba ay sumpa? Para kang nililibing at ipinagluluksa Wala, wala namang... Wala namang perpektong tao Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Wala, wala namang... Wala namang perpekto Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto? Wala namang perpektong tao