Naririto abang alipin Mo Dumaraing sa 'Yo't nagsusumamo Hawakan Mo nang mahigpit Ang aking mga kamay Nang h'wag nang mawalay pa Sa 'Yong piling Sa tulong Mo lahat makakaya Pag-uusig na aking binabata Ikaw ay pag-ibig Ikaw, Ama, Ang tangi kong minamahal Hinding-hindi magbabago kailan pa man Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo Nawa'y laging samahan Mo Nang makarating sa bayang paraiso Mo Salamat po sa mga pagliligtas Sa bawat sandali lagi Kang naririyan Nililinis aking kasalanan Iyong kinahahabagan Binibigyang-karapatan sa 'Yong bayan Sa tulong Mo lahat Makakaya Magtitiwala lang sa 'Yong magagawa Ikaw ay pag-ibig Ikaw, Ama, Ang tangi kong minamahal Hinding-hindi magbabago kailan pa man Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo Nawa'y laging samahan Mo Nang makarating sa bayang paraiso Mo Biyaya Mo'y sapat sa aking puso Upang matamo pangakong paraiso Ikaw, Ama, Ang tangi kong minamahal Hinding-hindi magbabago kailan pa man Buong kagalaka'y aawit sa 'Yo Nawa'y laging samahan Mo Nang makarating sa bayang paraiso Mo