Sa bawat araw ng aking buhay Laging nadarama pag-ibig Mong tunay 'Di pa sinasabi ang aking hiling Iyong binibigay, hindi ko pa iniisip Ikaw ang aking kalakasan sa tuwing nanghihina, walang malapitan Hindi matumbasan ang Iyong pagmamahal Kaya pasasalamat sa Iyo'y aking inaalay Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo Pupurihin kita't pasasalamatan Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman Pangarap ng puso ay makasama Sa paraiso mo na sakdal ganda Doon ang ligaya ay walang hanggan Aking mga luha ay hahalinhan ng tuwa Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo Pupurihin kita't pasasalamatan Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman Ang lahat ng Karangalan Ang lahat ng Kapurihan Ang lahat ng Kadakilaan Tanging Sa'yo lamang Ama Awit ng puso ko ang alay ko Sa'yo Upang luwalhatian ang Banal na Ngalan Mo Pupurihin kita, pasasalamatan Sa'yong kagandahang loob na magpakailanman Ang Iyong kagandahang loob ay magpakailanman