Sa buhay kong ito'y kay raming pagsubok Ngunit pinalalakas mo ang aking loob Upang magtiis magparaya magpatuloy sa mabuting gawa Pagka't sa dako pa roon natatanaw ang pag-asang Makikita kita o Dios na dakila Mamamasdan ang kagandahan ng iyong mukha At marilag mong kaluwalhatian sa ligayang walang hanggan Panginoon makikita kita Tuwing ako'y nag-iisa at nanghihina Ang iyong pangako ang laging naaalala Na kahit dumanas man ng kahirapan Hahalinhan ng kagalakan Maligaya ang puso at aking panghahawakang Makikita kita o Dios na dakila Mamamasdan ang kagandahan ng iyong mukha At marilag mong kaluwalhatian sa ligayang walang hanggan Panginoon makikita kita Karangalan ko ang maging isang lingkod mo Alalahanin mo po ako sa paraiso at doon Makikita kita o Dios na dakila Mamamasdan ang kagandahan ng iyong mukha At marilag mong kaluwalhatian sa ligayang walang hanggan Panginoon makikita kita Sa iyong paraiso makikita kita