Dilim na tila'y 'di lilipas Parang humihinto ang oras At nariyan na naman Ang sakit 'di maiwasan Pilit ko mang kalimutan Sa anino ay sunod-sunuran O hanggang kailan Alipin sa nakaraan Ngunit nang ika'y aking tanggapin Ako'y tuluyan mong naangkin Panginoon naririto Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas Sa iyo ngayon ay umaasa Ang lagi kong inaalala Pangako mong tapat Sa langit nakasulat Ang samo at pinapangarap Manatili sa iyong paglingap Hanggang walang hanggan at magpakailanman Ama kamay ko'y abutin Nang tahanan mo'y aking marating Panginoon naririto Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas Bulong ng puso'y dinggin At tibok nito ay iyong damhin Ang laging sinisigaw Papuri na umaapaw Panginoon naririto Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas Panginoon naririto Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas (oh) Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas O Ama ko ito ang alay ko