Kumikinang nangingibabaw Sa ilaw mong dala'y sadyang napukaw Damdamin ay nabihag mo Liwanag mo'ng pumupuno Ika'y busilak kumukutitap Sa langit ay tila nagpapasikat Sinasamsam ang iyong ganda Dama'ng buntong hininga Sadya bang ilaw mo'y iba Sa puso ko ikaw ang nagdidikta O sapat na bang kita'y sinasamba Sa 'di mabilang na tala Kislap mo ay litaw Ako'y tunay na pinagpala Pag-ibig ay ikaw Sa dami ng bituin sa langit Iisa ang iyong ningning O natatangi ka sa 'di mabilang na tala Minsa'y humihiling minsa'y nagpapaubaya Pangako mo sa'ki'y wagas na ligaya Panatag sa tanggulan mo Ako'y iyong-iyo Sadya bang ilaw mo'y iba Sa puso ko ikaw ang nagdidikta O sapat na bang kita'y sinasamba Sa 'di mabilang na tala Kislap mo ay litaw Ako'y tunay na pinagpala Pag-ibig ay ikaw Sa dami ng bituin sa langit Iisa ang iyong ningning O natatangi ka sa 'di mabilang na tala Nais kong malaman mo Sa 'yo'y walang papantay Kulang ang buhay ko Sa buhay mong inalay Binibigyang pugay ang ngalan mo Sa 'di mabilang na tala Kislap mo ay litaw Ako'y tunay na pinagpala Pag-ibig ay ikaw Sa dami ng bituin sa langit Iisa ang iyong ningning O natatangi ka sa 'di mabilang na tala