Kay rami kong naririnig Mga tinig sa aking paligid Maging sa loob ng aking dibdib Kay ingay, 'di matahimik Ang awit ng mga awit Mithiin ng pusong nananabik Masumpungan ang tunay na pag-ibig Na ngayo'y kay ilap sa aking daigdig Ngunit dumating Ka at handog Mo Matamis na himig ng pagsuyo Tapat at wagas na pangako Tanging pag-asa ng buhay ko Ang awit ng mga awit Ang pinakadakilang awit Ito ang himig ng 'Yong pag-ibig Sa puso kong nananabik Ang himig mo'y kay sarap pakinggan Ang salita mo'y aking panghahawakan Ang dala mo'y tunay na kaligayahan Ang pag-ibig mo'y walang-hanggan Walang-hanggan Ang awit ng mga awit Mithiin ng pusong nananabik Masumpungan ang tunay na pag-ibig Na ngayo'y kay ilap sa aking daigdig Ang awit ng mga awit Ang pinakadakilang awit Ito ang himig ng 'Yong pag-ibig Sa puso kong nananabik Ito ang himig ng 'Yong pag-ibig Sa puso kong nananabik Sa puso kong nananabik