Naaalala pa noong ako'y tinawag Mo Hinango sa sanlibutan at kay gulong mundo At kahit pa sa akin, may mga umuusig Sa awa at sa tulong Mo'y hindi nalulupig Lagi Kang nariyan, 'di nagkukulang Tangi kong inaasahan Na papahirin Mo, mga luha ko Lilimutin Mo, kasalanan ko Lilinisin Mo itong puso Babaguhin Mo kaya't naghihintay sa tapat Mong pangako Ngayo'y nagagalak kahit may dalamhati Ang suliranin ay hinaharap nang may ngiti At kahit pa sa aki'y may mga pumipighati Hindi papipigil na sa Iyo ay magpuri Lagi Kang nariyan, 'di nagkukulang Tangi kong inaasahan Na papahirin Mo, mga luha ko Lilimutin Mo, kasalanan ko Lilinisin Mo itong puso Babaguhin Mo kaya't naghihintay sa tapat Mong pangako Magtitiis, maglilingkod, hinding-hindi mapapagod Makikibaka, magpapagal hanggang sapitin ang Bayan Mong banal, banal Na papahirin Mo (papahirin Mo), mga luha ko Lilimutin Mo, kasalanan ko Lilinisin Mo (lilinisin Mo) itong puso Babaguhin Mo kaya't naghihintay sa tapat Mong pangako Na papahirin Mo, mga luha ko Lilimutin Mo, kasalanan ko Lilinisin Mo itong puso Babaguhin Mo kaya't naghihintay sa tapat Mong pangako, pangako Ngayo'y naghihintay sa tapat Mong pangako (pangako, pangako)