Aral mong saway ay araw na gabay Liwanag na taglay, kabutihan ang bigay Iyong ebanghelio ay ulang pumupuno Nang kagalakan ko at pag-asa ng puso Kinakausap Mo ako sa Iyong banal na salita Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas Ito ay inihahatid ng 'Yong araw at ulan Nasisikatan ako ng araw Mo't nawawasto Itinutuwid Mo ang hakbang kong lumiliko Ama, binubuhusan Mo ako ng 'Yong ulan Kaya lungkot at uhaw ng puso ko'y naiibsan Kinakausap Mo ako sa Iyong banal na salita Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas Ito ay inihahatid ng 'Yong araw at ulan Nahanap ang mabuting landas Mo Pagkat ako'y tinawag Mo Ito ang dakilang paraan Mo Upang mailigtas ang katulad Mo Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas Ito ay inihahatid ng 'Yong araw at ulan