Ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh ♪ Hmm 'Di Mo kailanman nilimot ang isang katulad ko Na hindi karapat-dapat sa pag-ibig Mo Kahit pa noo'y tumalikod sa Iyo Ako'y hinanap Mo't niyakap nang buong puso Pa'no ba kita masusuklian Sa 'Yong paglingap at kabutihang walang-hanggan? Sapat na ba ang Ika'y paglingkuran? Ang Ikaw ay handugan Ng isang awit-papuri na tanging sa 'Yo laan? Oh, Iyong pagmamahal ay 'di ko mapapantayan Oh, Panginoon, sapat na ba ang Ika'y pasalamatan? Puso ko'y 'di na kailan pa man mangangamba Habang kapiling Ka, 'di na muling mag-iisa Ako ay nagsusumamo at naninikluhod Nais kong sa 'Yo'y magpuri't maglingkod Paano ba kita masusuklian Sa 'Yong paglingap at kabutihang walang-hanggan? Sapat na ba ang Ika'y paglingkuran? Ang Ikaw ay handugan Ng isang awit-papuri na tanging sa 'Yo laan? Oh, Iyong pagmamahal ay 'di ko mapapantayan Oh, Panginoon, sapat na ba ang Ika'y pasalamatan Sa lahat ng Iyong gawa? Buhay ko'y nagmula sa 'Yo, Amang dinadakila Sapat na bang Ika'y paglingkuran? Ang Ikaw ay handugan Ng isang awit-papuri na tanging sa 'Yo laan? Oh, Iyong pagmamahal, hindi ko mapapantayan Oh, Panginoon, sapat na ba ang Ika'y pasalamatan? Sapat na ba ang Ikaw ay pasalamatan?