Ang buhay ko noo'y walang kabuluhan Lugmok sa mga bagay na sanlibutan 'Di batid ang daan ng katotohanan Puso'y ligaw, binulag ng kalayawan Sa awa Mo'y tinawag sa Iyong bayan Karumiha'y nilinis at hinugasan Hinubog ng aral Mo na dumadalisay Pagkalalang ko ay nagkaro'ng saysay Ikaw Panginoon, Ikaw ang aking kailangan Tanglaw sa isip at pusong nadirimlam Aliw sa bawat hirap at kalungkutan Pag-asa sa buhay na walang hanggan Bawat hakbang kat'wiran Mo'y aking gabay Bigay Mo'ng espirito'y umaakay Sadyang dakila Ka aking Ama Maawaing lubos at mapagpala Ikaw Panginoon, tanging moog ko at sandigan Tanglaw sa isip at pusong nadirimlam Aliw sa bawat hirap at kalungkutan Pag-asa sa buhay na walang hanggan Papuri ay laan lamang sa'Yo Ama Bibigkasin na may ligaya Aawitan at sasambahin tuwina Tanging Ikaw ang yuyukuran Ikaw Panginoon, Ikaw ang aking kailangan Tanglaw sa isip at pusong nadirimlam Aliw sa bawat hirap at kalungkutan Ikaw Panginoon, tanging moog ko at sandigan Tanglaw sa isip at pusong nadirimlam Aliw sa bawat hirap at kalungkutan Pag-asa sa buhay na walang hanggan Pag-asa sa buhay na walang hanggan