Dati-rati'y nakikita lang kita
Nadadaanan 'pag ika'y nag-iisa
Hawak ang gitara
Parang walang problema
Iniisip-isip ko pa nga
Gusto ko sana sa iyong makikanta
Nahihiya man
Mukha ko'y kinapalan
Nang ika'y aking lapitan
Saka ko naunawaan
Ang bigat ng 'yong pinapasan
Dinadaan lang sa kanta
(Whoa, oh-oh, oh, oh) idaan sa musika
Panandalian, sakit ay nakalimutan
(Whoa, oh-oh, oh, oh)
Lungkot na mararamdaman ay mawawala
Kahit panandalian
Hmm, hmm, hmm
Sabi-sabi ko na lang sa 'king sarili
Tanging dito lang niya ito masasabi
Sa kanyang awitin
Mayro'ng nais na iparating
Buong gabi at magdamag ay nakasama ka
Nakilala nang lubusan, hinangaan pa
Kahit mahirap
Tuloy-tuloy ang pangarap
'Di na namalayan
Mga letra ng awitin ay napunan
Damdamin na nilalaman
Idinaan lang sa kanta
(Whoa, oh-oh, oh, oh) idaan sa musika
Panandalian, sakit ay nakalimutan
(Whoa, oh-oh, oh, oh)
Lungkot na mararamdaman ay mawawala
Kahit panandalian
♪
Whoa, oh-oh
Ooh, ooh, ooh-ooh
Ikaw ay nakagaanan
Parang iisang sigaw ng ating isipan
Napawi ang lungkot 'pagkat
Sa kanta'y idinaan
(Whoa, oh-oh, oh, oh) idaan sa musika
Panandalian, sakit ay nakalimutan
(Whoa, oh-oh, oh, oh)
Lungkot na mararamdaman ay mawawala
Kahit panandalian
(Whoa, oh-oh, oh, oh) kahit panandalian
(Whoa, oh-oh, oh, oh) whoa-whoa, idaan sa musika
(Whoa, oh-oh, oh, oh) idaan, idaan, idaan
(Whoa, oh-oh, oh, oh) oh, oh, oh, oh, oh, idaan sa musika
Поcмотреть все песни артиста