Laging Ikaw ang hinahanap ko Laging Ikaw ang tinatawag ko Pag-asa ko ay ang kalinga Mo Sa piling Mo'y hindi ako mabibigo Ligaya ko kapag nalulumbay Kat'wiran Mo sa 'ki'y umaakay Kailan man ay hindi maliligaw Kung Ikaw ang Siyang sa akin ay gagabay Salamat at laging nariyan Ka Kasama ko sa 'king pag-iisa Mahirap man itong buhay, aking makakaya Dahil sa 'Yong kabutihan, oh, Diyos Ama 'Pag lumuluha at nagdaramdam 'Pag may bigat itong kalooban Pasan ko ay agad gumagaan Dahil laging mayro'ng nag-iisang Ikaw Salamat at laging nariyan Ka Kasama ko sa 'king pag-iisa Mahirap man itong buhay, aking makakaya Dahil sa 'Yong kabutihan, oh, Diyos Ama Huwag na huwag Mo akong iiwanan Ako'y wala nang iba pang maasahan Salamat at laging nariyan Ka Kasama ko sa 'king pag-iisa Mahirap man itong buhay, aking makakaya Dahil sa 'Yong kabutihan, oh, Diyos Ama Salamat at laging nariyan Ka Kasama ko sa 'king pag-iisa Mahirap man itong buhay, aking makakaya Dahil sa 'Yong kabutihan, oh, Diyos Ama Dahil sa 'Yong kabutihan, oh, Diyos Ama