Di na ako ang panalangin mo Di na ako ang laman ng araw mo Di na ako ang ikot ng iyong mundo Pero dito lang ako Di na ako ang tinatawagan mo Di na ako ang pinaglalaban mo Di na ako ang litratong dala mo Pero dito lang ako Araw-araw di maiwasan ang alaala mo Sa gabi hinahanap-hanap ang tamis ng labi mo O ako'y nakayapak sa nilalakaran ko Ang sakit mula talampakan hanggang sa puso ko Di na ako ang nasa liham mo Di na ako ang kasiyahan mo Di na ako ang dahilan ng lakas mo Pero dito lang ako Bawat segundo ay kilabot pag nasa piling mo Binti'y naninigas habang tumatayo ang balahibo O punong-puno ng alak ang sikmura ko Umaasang malilimutan ang pag-ibig mo Di na ako ang pangarap mo Di na ako ang inaasahan mo Di na ako ang laging tinatakbuhan mo Pero dito lang ako Sa pag-gising ika'y nangunguna sa isipan ko Sa panaginip sinusulit ang higpit ng yakap mo O ako'y nakadapa sa isang pangako mo Naghihintay, umiiyak, habang nasisinto Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako Dito lang ako