Hmm ♪ 'Di malinaw ang aking dati-rating Pagtingin sa iyong pagdating Nangako sa dumaan na bituin Na hindi na magmamahal muli ♪ Sayang ang oras at panahon 'Yan ang aking inakala noon At sa katigasan ng aking ulo Ay bigla na lang nahulog sa 'yo Pero puso, ingat na lang Alam mo namang ito'y pansamantala lang At 'di mo alam kung sino ang mang-iiwan ♪ 'Di ko naman sinadyang sumugal Nagulat na lang, bigla ka nang minahal At kahit alam kong 'di magtatagal Ay sumabak pa rin sa laban Pero puso, isipin mo lang Alam mo namang wala siyang ibang katulad Sabihin mo na, bago pa tayo tuluyang lumisan ♪ Oh puso, sayang naman Manghihinayang ako 'pag sadyang Nilimutan ang nag-iisang kasintahan Dito na lang, harap-harapan Sana'y wala 'tong hangganan Sabihin mo lang kung ayaw mo 'kong lumisan ♪ At sa bituing pinangakuan noon Buti na lang, 'di nagkatotoo Bali-baliktarin ko pa ang aking mundo Ay babalik at babalik sa 'yo Babalik at babalik dito