Tignan mo nga naman ang tadhana Walang humpay sa kanyang paglalaro Kung kailan ba namang 'di malaya Ang puso ay sadyang pinagtatagpo Ika' y nandon, ika'y nandyan Ako'y pakanan, ako'y pakaliwa Buhay mo'y di masabayan Lagi na lamang sumasaliwa Ang mundo'y laging paurong pasulong Di magsalubong ang ating landas At ang ating damdamin patagong binubulong Laging may tanong at di mabigkas Pagkat ang pag-ibig natin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi na lang alanganin Kung alam ko lang na dito hahantong Noon pa sana binigay ang puso Ngayon ang isip ay puno ng tanong At puso ko'y di maibigay ng buo Pagkat ika'y nandon, ika'y nandyan Ako'y pakanan, ako'y pakaliwa Buhay mo'y di masabayan Lagi na lamang sumasaliwa Ang mundo laging paurong pasulong Di magsalubong ang ating landas At ang ating damdamin patagong binubulong Laging may tanong at di mabigkas Pagkat ang pag-ibig natin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ika'y nandon, ika'y nandyan Ako'y pakanan, ako'y pakaliwa Buhay mo'y di masabayan Lagi na lamang sumasaliwa Ang mundo laging paurong pasulong Di magsalubong ang ating landa At ang ating damdamin patagong binubulong Laging may tanong at di mabigkas Pagkat ang pag-ibig natin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Ay lagi nalang, lagi nalang Lagi nalang alanganin Tignan mo nga naman ang tadhana Walang humpay sa kanyang paglalaro