Ano na bang tama ngayon? Sa dami ng pinaglalaban, 'di ko maintindihan Bakit patuloy ang dahas at maraming nasasaktan? Minsan iisipin mo na lamang May pag-asa pa ba? Laban kung laban para sa bayan At sa mga naniniwala sa katotohanan Laban natin 'to handa ka na bang Ibigay buong puso't isipan 'Wag kang mawalan ng pag-asa Ang puso ialay sa laban Kapalit ay tagumpay, laban Laban, laban, laban Marami sa'tin ay bulagbulagan Hanggang saan, hanggan kailan Kailangan nang lumaban, hihintayin pa bang Pamilya na ang masasaktan 'Wag matakot kapag ikaw ay nasa katwiran Kakampi mo katotohanan Laban kung laban para sa bayan At sa mga naniniwala sa katotohanan Laban natin 'to, handa ka na bang Ibigay buong puso't isipan 'Wag kang mawalan ng pag-asa Ang puso ialay sa laban Kapalit ay tagumpay, laban Laban, laban, laban Maraming hinaing ang nais iparating Iba-iba ang dalangin sana'y unawaan natin Pagmamahal sa kapwa ang dapat palaganapin Hindi dahas, kundi pag-ibig Hindi dahas, kundi pag-ibig 'Di mo ba naririnig o manhid ka na sa tinig ng 'yong bayan? Wala na bang inaatupag kundi ang sarili mong kapakanan? 'Wag na 'wag mong hahayaang diktahan ng namumuno Sandata ang dugo at diwa ng mga ninuno Nangako ka, nangarap ka At buong pusong nanumpa ng katapatan at kadakilaan Para sa iyong bayan Kaya ngayon tayo'y lalaban Laban kung laban para sa bayan At sa mga naniniwala sa katotohanan Laban natin 'to Handa ka na bang ibigay buong puso't isipan 'Wag kang mawalan ng pag-asa Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay Laban, Leni, laban Laban, Leni, laban Laban, Leni, laban Laban, Leni, laban