Pustahan sa laro ang matira matibay Sa pigaan ng utak dyan ako ay naki-hanay Gusto kong mag-ambag napakaraming mahusay Pero iilan lang ang totoong sumasabuhay Yung iba nakikibagay lang nakiki-hatak pa Nakiki-Hate pre nakakapagtaka Mga anay sa industriya nakasanayan na Kaya sa bawat paninira sakin ay balewala Heto parin ako nakatayo kahit anong kumento Walang pake siraan man ng kahit sino Nanatiling totoo di tumapak ng pagka-tao O humamak para lang sa kasikatan na matatamo Inaasam-asam masakit na sa mata Sinusuwag ng mga torong nakakita ng pula Ngunit di maapapula tang-ina sa inyo na Ang respetong nakukuha dahil busog ang bulsa Di laging basehan pagiging magaling Kung ang respeto ay di kayang itanim Sapat na sakin kung ano ang marating Ganon parin di nagbabago san lupalop man dalhin Ng mga letrang aking baon, hamon may dumaong Sabay lang sa alon, lumubog man ay aahon Di magpapalamon iiwanan ang kahapon Pinatibay ang dibdib kinabukasan ay babangon Kahit mahirapan Man, I do it for the love Makipot man ang daanan Man, I do it for the love Kahit pa na magalusan Man, I do it for the love I do it for the love, Yeah I do it for the love Kahit mahirapan Man, I do it for the love Makipot man ang daanan Man, I do it for the love Kahit pa na magalusan Man, I do it for the love I do it for the love, Yeah I do it for the love Samahan mo ako't tayo'y mangaso Itumba mga umaabusong mga tuso Rekta punto na agad para sabog ang ulo Ng hindi na pamarisan sentidong mga pundido Palyado ang mga pyesa nila teka ba't malabo Kinain ng sistema silang hirap ng magbago Sumasabay sa uso tong mga pakitang tao Kaya ang mga nakikinig ay lalong nabobobo Nagkahawa-hawa na parang epidemiya Di nako magtataka kung ba't nabulag ang mata Palala ng palala wala ka ng napapala Hindi mo nahahalata kasi di pa nadadala Hindi na to tulad ng dati mensahe pasok dyan sa kokote Dama mo ang pag-ibig pagbumubuka ang labi Palagi kang nakikinig ngayon hindi na bali Oo mas malupit nasa cassette at mga CD Di laging basehan pagiging magaling Kung ang respeto ay di kayang itanim Sumalungat kung kailangang baliktarin Kung may humarang sa pag-iwas wag matakot gibain Dahil bawat mga segundo biglang magbabago Pagtingin sayo kaya wag kang pasigurado Ituloy ang nais 'gang umabot ka sa dulo Basta laging nasa ulo respeto sa mga tao