Kabulaanang nakapaloob sa palabas Kalauna'y pustiso na ang pangil ng batas Panauhing pandangal ang nagtanghal sa bulwagan Ikaw yung walang saplot sa hubad na katotohanan Mapapansin mo lamang pagikaw ang ginawan Ng maling isisisi palagi sa dilawan Pagkataong madumi tiyak na mangangati Walang damit sa dami ng dahilang tinatahi Nagpasasa sa perang dulot ay digmaan Patnugot ng akda ay inuod sa aklatan Nagpasasa sa puno't dulo ng banta ng Pagpugot ng agaran sa ulo ng langgam Mga papampam talangkang pangangatawan Tanga lang ang maniniwalang ika'y di nanlalamang Napagutusang magkusa't ayaw nyo rin na lumabas. Ang totoo gwantes ang gamit kung bakit walang bakas Kala mo swerte nung ipinamalas nya Hagdang hagdang kaso na sayo sumasampa Nakapagtataka bat nga ba nandyan ka Maling gwantes ang nasa kapalaran nya Pinalamon tayo ng mga puro lang patikim Tutugma ang tugtog pagitutumba ang nakinig Maraming kasiraan madali lang kalasin Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin Uh! Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes gagagaga-guwantes Kung ayaw mo na maatrasan ka umabante Uh! Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes talagang kapag Maraming kasiraan madali lang kalasin Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin Namulubi sa-king Inang Bayang palaboy Pagginamit ng palad nagiging bakal ang kahoy Sa pabara-bara parang bumabagal ang daloy Muslim na lang ang di nagha-Halal ng baboy Hand gun! Nakukuha ng isang kalabit Kwintas na sinuot ng mahilig sa palawit Ilegal na pagtikim hanggang magpakalingid Sa pwetan ng sigarilyo na lubhang makasipsip... Nerbyos sapagkat ang tapang mo panggap Tila ba kapeng barako na may Mocha... Frappe! Subalit apoy ng damdami'y di magpapatuso Sa sugal lang tinatalo ng dyamante ang puso Mali ka ng sinabi, palpak na termino Emosyonal pagwalang salapi sa sobrang sentimo Minsan kahit na papano, masakit ang pagbabago Gwantes kong hawak ay para lamang di ako mapaso Kala mo swerte nung ipinamalas nya Hagdang hagdang kaso na sayo sumasampa Nakapagtataka bat nga ba nandyan ka Maling gwantes ang nasa kapalaran nya Pinalamon tayo ng mga puro lang patikim Tutugma ang tugtog pagitutumba ang nakinig Maraming kasiraan madali lang kalasin Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin Uh! Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes gagagaga-guwantes Kung ayaw mo na maatrasan ka umabante Uh! Guwantes gagagaga-guwantes Guwantes talagang kapag Maraming kasiraan madali lang kalasin Kamay na bakal laban sa gwantes na kalawangin Mohenjo Daro... Harappa'ng payapang binangka Bansa at saluwal na sabay mong binaba Sikretaryang madada, mandaraya ng sukat Geometric, ehh anggulo ng pagkakasulat Sa lipunan natin, Nilipol ang ating Pinaghirapang itanim, unggoy sa libong saging 'Yan ay masama sa masa, Pang-Yaketate? 'Yokong makita kitang pumurol at mamihasa... Punong-puno na ang mga mapagtimpi Sinong di mapupundi sayong patay sinding... Ilaw, malinaw anong magagawa ng kupad? Sa pagusad ng bansang tadtad ng tagatulak Sundalong kaning mahilig magalsa Makabagong bayaran, modernong alkansya Maaasahang komisyon o baka konsumisyon Kaya ka lang pinaupo ay masarap sa posisyon... Walang agam-agam... Kayo rin ang gumagamit ng bato na parang guwantes ni Adam Guwantes na aking pandoktor sa halalan Hubarin ang guwantes tayo'y magkaalaman Na doon sa saligan nabuo ang alitan May poot sa pagitan ng bomba't sampaguita Peke na balita may daluyong na dumamba O mangaawit na may bayad kapag kumanta Ako lang ba?, nakapansing nagmumulto? Nanghihila pababa, 32.2 Sasori, Kankuro tayo ay puppet nauto! Pagbuwaya kumatok hindi yun tao po! Nako po! Pride ng bayan dehins na to biro 'Tanong mo si Quill, pumapatay ang ego Ebidensyang nanunuot sa kamay Gamit ko ay gwantes, nanunuot sa kamay Wala nang permanente sabi ng mga tanga Pagkat perpekto na bulkan, nailipat mo pa nga Kung ito ay alaala mas gusto kong makalimot Paalis na sa mundo na tayo ang pinapaikot